23/05/2023
I WISH I COULDN’T CARE.
I started to join Life insurance company way back 2017. Hindi ko tinuloy dahil hirap ako mag review para Sa exam, para maging Licensed Financial Advisor ako. dahil working ako that time as a call center agent, so alam nyo na pagod pagodan dyan kaya Wala time to review. So in short d ko tinuloy, 2020 when the pandemic hit, of course lahat na walan na ng work and ako looking for an online job as well, so sige palagi nag hahanap sa FB ng trabaho. Hanggang sa nakita ko yung post na financial advisor, so I clicked the post and nilagay ko mga details ko. Maybe less than a day, I received a call, so interview na agad from the manager…so natanggap ako and umattend ng trainings. Tapos sinabi sa akin na I need to review and to take an exam. So ako naman todo review syempre ayaw Kong bumagsak. Ang tagal nag review halos kulang sa isang taon nun dahil 2021 na ako nag exam.
So ayun na nga nag-exam na ako and super kabado ako nun dahil baka hindi ako pumasa, Hindi ako makasagot. O edi go na, ginusto ko ito eh. After ng exam naghintay pa ako ng ilang buwan para malaman ang result. Grabe super negative na ako nun, ah wala na ito sabi ko sa sarili ko, hindi na ako nakapasa.
Nung wala na sa isip ko yun pero, Hindi ko na inaasahan pero Sige parin ako Sa pag attend ng training. Hanggang 1 day sinabi sa akin ng manager na pasado ako. Ahahaha o diba congratulations sa akin 😅, di ko alam yung feeling ko that time. Pero Bastia pasado na ako. Licensed Financial Advisor na ako.
After nun, Akala ko madali na. Pero dun na ako nahirapan Sa prospecting dahil takot ako ma-reject specially sa mga kaibigan ko at mga kakilala ko. Dahil baka friendship over na nga tayo, at Sa ka baka isipin nila scam ito dahil syempre ang pinaguusapan dito yung hard earn money nila. Legit, sobrang nahirapan ako. Sobrang advance ako mag isip hanggang Sa tipong iniisip ko Ano sasabihin nila sa akin. Kaya dumadating nalang ako Sa punto na, Sige wag ko na nga sila imessage. 🥺😞
KAya ngayon kapag nakakakita ako ng mga family or someone na namatayan, sumasagi Sa isip ko na kamusta kaya sila or sya, hirap ba sila Sa finances nila pag dating Sa burial expenses ng love ones nila? May life insurance kaya yung namatay? Sana nakausap ko sila. Pero hanggang sana lang ako, dahil takot ako sa rejection. Kaya condolences nalang nasasabi ko. Nalulungkot ako dahil for sure Bo’s ang saving ng bawat individual na part ng family dahil kailangan nila gastusan ang burial ng mahal nila sa buhay. Sobrang heart break ang namatayan ka at jobs ang savings nila.
Pero ang gusto ko lang is malaman nila Papano makakatulong ang life insurance sa buhay nila or sayo😞
Friend, I joined Sun Life Financial because I want to help you from all walks of your life to discover brighter solutions according to your needs. Hopefully some day I can add value to you. 🤗