10/10/2025
Bilang isang financial advisor dito sa Pilipinas, hindi na ako natatakot sa rejection kasi natural na yon sa trabaho namin. Although masaya ako na kahit papano na-oopen na ang mindset ng mga kapwa nating Pinoy sa pagkuha ng life insurance, malaki pa rin ang kakulangan ng karamihan about financial literacy.
Kaya naman ang pinaka-kinakatakutan ko ay ang marinig mula sa clients ko ang mga katagang:
“SAYANG, SANA PALA....” kumuha ako.
“SAYANG, SANA PALA...” nag-invest ako.
“SAYANG, SANA PALA...” nakinig ako.
“SAYANG, SANA PALA...” binigyan kita ng chance kausapin ako.
“SAYANG, SANA PALA...” di ko pinigilan si mister na kumuha ng insurance.
“SAYANG, SANA PALA...” hindi kita inunfriend nung nangungulit ka.
“SAYANG, SANA PALA...” hindi kita sineen zone.
“SAYANG, SANA PALA...” di ko sinurrender yung plan ko.
Okay lang mareject, immune na ako don. Pero ang pinakamasakit ay marinig ang mga salitang ito dahil ibig sabihin non, ay hindi ko nagawa ang trabaho ko at naunahan na ako ng malubhang sakit, untimely death or aksidente. Kaya sa mga minamahal kong clients, please huwag po kayong magalit o mainis kapag nangungulit ako dahil ito ay para din sa inyo at sa pamilyang binubuhay niyo.
Nagmamahal niyong financial advisor,
Jerome 😊