09/01/2023
Ikaw napanood mo na ba ‘yung trending video ngayon ni Vince Flores a.k.a. Tito Vince kung saan niregaluhan niya si Ms. Toni Fowler ng 32M worth of life insurance?
Kakapanood ko lang ngayon. Mej nakakaiyak pala ha! 😅
His message was: “Ang regalo ko sayo mameh is life insurance at ang beneficiary nun ay si Tyronia. Kasi para sa akin, walang kahit anong materyal na bagay ang makakatumbas para sa future ng mag-ina ko. Para kapag dumating yung panahon na mawala man tayo sa mundong ito meron si baby na mapupunta sa kanya." 🫶
👌 Nakakatuwa at nakakabilib ang mga parents na iniisip ang magiging future ng family nila. Gusto nila na may maaasahan na pera yung anak nila in case may mangyari man sa kanila.
👌 Long-term ‘yung mindset. To think na for sure malaki kita nila sa Youtube, kinonsider ni Tito Vince ‘yung possibility na “what if mawala kami, paano si baby namin?”
👌 Naging open-minded siya about life insurance. Nakinig siya sa advisor friend nila nung nag-iisip sila kung ano ba yung best birthday gift for his wife. Usually kasi 'di ba, ayaw agad ng mga tao kapag usapang insurance, which is understandable naman din kasi. Possible na may naging bad experience sila before or something, or baka ‘di pa lang nila rin priority or 'di pa nila masyado gets how it works.
Nothing beats a peace of mind for any parent, knowing na your family won’t suffer financially in the future, in case the worst thing happens na ma-taken out of the picture siya at di na siya makakapag-provide for them.
“Life insurance is love insurance’” ika nga. 💖
Watch the full video here: https://www.youtube.com/watch?v=vwgRu08Z9T8
(C) The Savvy Pinay