29/09/2023
🤦🏼 At least nagsisi at nagpakumbaba yung lasing matapos ma Tulfo 🤦🏼
Naglabas ng pahayag si Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II kaugnay sa resulta ng kanilang imbestigasyon sa isang viral road rage video sa Cavite.
Napag-alaman ng LTO na hindi ang driver ng Honda CRV ang may-ari ng naturang kotse dahil nakarehistro ito sa isang babae na taga-Rizal kaya naman sinabi ni Mendoza na parte ng imbestigasyon na kilalanin ang driver at malaman kung may valid itong driver’s license.
"Gusto nating malaman kung ang sasakyan ba ay nabenta na o pinahiram. Sa pamamagitan nito, malalaman natin ang identity ng taong ito,” saad ni Mendoza.
“Mabilis ang aksyon natin dito sa pamamagitan ng ating LTO-Region IV A sa pamumuno ni RD Asuncion. Makakatiyak ang ating mga kababayan ng agarang aksyon ng LTO tungkol dito," wika pa niya.
Matatandaang nag-issue ng Show Cause Order (SCO) ang LTO laban sa rehistradong may-ari ng isang sasakyan kung saan makikita ang naturang driver sa isa pang viral road rage video sa isang subdivision sa Imus, Cavite.
Sa naturang video, makikita na makailang beses na nag-swerve ang kotse sa video na tila hinaharangan ang dinadaanan ng nakaalitang motorista.
Matapos nito ay bumaba ang naturang driver at kinompronta ang nakaalitang motorista at pinagmumura ito.
(Facebook/LTO)