30/03/2026
🚨 BIR Annual Income Tax Filing 2026 – Ang daming bago, nakakalito! 😫
Kung kailan malapit na ang deadline, saka pa naglabas ang BIR ng bagong guidelines sa pag‑file ng Annual Income Tax Return (AITR) para sa taxable year 2025.
Hindi na gaya ng dati—electronic filing na ang default. Pero hindi lahat ng taxpayers pare‑pareho ang proseso. Depende kung eFPS, eBIRForms, etc.. At may mga exceptions pa sa manual filing kung sira ang system o hindi available ang form.
Sa dami ng detalye, ito lang ang kailangan mong tandaan:
✅ E‑file + e‑Pay – Halos lahat required na mag‑online. I-screenshot mo ang confirmation page—yan ang magiging proof mo.
✅ Form 1701-MS – Hindi pa available online. Kung micro or small taxpayer ka, pwede kang manual mag‑file, pero ingat—mas maganda kung mag‑online ka na lang gamit ang Form 1701A o 1701 para iwas penalty.
✅ Attachments – Sa eAFS na isusubmit ang financial statements. Keep the email confirmation. Deadline: 15 days after filing.
✅ Penalties – May konting paluwag: walang penalty kahit mali ang venue, at hindi paparusahan ang micro/small taxpayers sa manual filing ng 1701-MS sa ngayon.
Ang hirap talaga kapag sabay‑sabay ang bagong sistema, deadline, at takot sa mali. Pero hindi mo kailangan solohin ‘to.
Kung nalilito ka pa rin sa eFPS, eAFS, o kung aling form ang dapat mong gamitin, message mo lang kami. Tutulungan ka naming mag‑file nang tama—at nang hindi masakit sa ulo.
👇 May tanong sa filing mo? Comment lang, sasagutin namin.