18/04/2026
Napanood niyo na ba yung interview ng Sweetnotes Music sa Toni Talks?
Sobrang ganda ng message ng life nila. Aside dun sa successful sila sa talent na binigay sa kanila ni Lord, mas na-strike ako dito sa message nila na ito:
Charlotte: Since he is a pastor kid, madami akong natutunan sa kanya. Positive kasi siya.
Ang outlook niya sa life, iba sa akin.
Grateful ako. Sa dinami-dami ng naging karelasyon ko sa kanya ako napuntq. Siya talaga binigay ni Lord sa akin. Siya yung naging way para magbago buhay ko.
Toni: good influence siya. Dinala ka niya sa mas magandang path.
Charlotte: wala siyang bisyo. Tapos nung naging asawa ko siya. Nawala lahat yung mga bad sides ko — pag iinom ko, pagbabarkada ko, night life ko. Nawala po talaga lahat.
Toni: Ganun talaga. Kapag na-meet mo yung tamang tao, ibi-bring out niya yung best version mo.
BJ: hindi naman ako nagpabago sayo si Lord.
Charlotte: may mga characters kasi siya na naisip ko dapat pala ganito, ganyan.
Toni: alam mo nagi-gets ko. Hindi ka niya binago through forcing you to change. Pero nabago ka dahil nakita mo kung paano siya.
Tapos naisip mo “parang gusto ko yung way ng buhay niya. Gusto ko yung lifestyle na meron siya.”
Kasi naniniwala ako hindi ka nababago ng isang tao. Ang makakapagpabago sayo ang sarili mo. Kahit anong gawin ng tao sayo. Tulungan ka, lahat. Nasa sayo yon, pag ayaw mo magbago hindi ka magbabago. Kahit ibigay na sayo lahat ng resources para magbago.
Pero kapag nagsimula na ang decision sa isang tao internally na “magbabago ako” dun nagsstart ang real change.
______
Ang takeaway ko dito is IF A MAN LEADS THE WIFE TO GOD, their relationship will be strong.
What I’ve learned in marriage is the enemy’s goal is not to destroy the wife (ang ilaw ng tahanan), ang first priority na i-destroy ay ang HALIGI ng tahanan, ang mga husband.
Why?
Kasi kapag wasak na ang haligi, wasak na ang buong tahanan. Ilawan mo man, hindi na din yan makakapag function ng maayos.
Parang sa buhay may asawa. Kapag wasak ang Padre de Pamilya, kahit anong gawin nating umilaw mapapagod tayo, mauupos tayo dahil hindi tayo (wives) ginawa para bitbitin ang bahay.
Kaya nagbago si Charlotte kasi nakita niya na pwede pa din palang maging satisfied sa buhay kahit wala yung mga kinalakihan niyang “akala” niya makakapagpasaya sa kanya.
What changed Charlotte is BJ’s character for God.
Praying for every husband, may the Lord protect you and make you stronger — to hold your family together!
Mag-follow nalang ang success kapag si Lord ang inuuna niyong mag-asawa. 🥳
https://youtu.be/bBqjuOCDUoc?si=Ts2VvBKMq9OtOIVp