01/06/2026
Ngayong Pride Month, ipinagdiriwang natin ang bawat tao—ang kani-kaniyang kwento, pagkakakilanlan, at karapatang mamuhay nang may respeto at dignidad. 🌈
Sa SEDPI, naniniwala tayo na ang pag-unlad ay dapat bukas para sa lahat. Hindi dapat hadlang ang kasarian o pagkakakilanlan para magkaroon ng access sa kaalaman, kabuhayan, at mas maayos na buhay.
Kaya patuloy tayong bumubuo ng mga komunidad na may malasakit, respeto, at pagtutulungan.
Dahil ang tunay na financial inclusion, para sa lahat. Happy Pride Month! 🌈
Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!