01/06/2026
May kaibigan ang isang financial advisor na hindi naniniwala sa insurance. Isang araw, na-diagnose siya ng cancer at na-confine ng dalawang linggo. Umabot sa mahigit ₱500,000 ang hospital bill.
Nag-text siya sa FA: “Bakit hindi mo ako pinilit kumuha ng insurance?”
Ang sagot: “Hindi ba sabi mo hindi mo pa priority dahil bata ka pa at healthy?”
Ang totoo, ang pagkuha ng insurance ay personal na desisyon. Kahit gaano kaganda ang plan, kung hindi pa ito priority sa’yo, mahirap makita ang halaga nito.
Bilang financial advisor, hangad ko na lahat ng kaibigan at kliyente ko ay may proteksyon para sa mga hindi inaasahang pangyayari—sickness, accident, disability, at death (SADD). Pero hindi kita maaaring pilitin. Ang trabaho ko ay magpaliwanag, magbigay ng options, at tulungan kang maghanda.
Sa huli, ikaw pa rin ang magdedesisyon.
Kapag dumating ang mga pagsubok na hindi natin kontrolado, mas mabuting handa kaysa magsisi.
Life insurance isn’t for when things go wrong. It’s for making sure you’re protected when they do.
— Cristine Tan