10/12/2025
Mahalagang paalala sa aming mga mahal na ka-Pisib..
Hindi po chinaChatGPT ang Financial Aspect. ^_^
Storytime:
May isang client po kaming...meron silang adviser na ang role lang dapat is "tutulungan" sila in their Financials via consultation or advise.
What happened is nagvolunteer na lang si Adviser na siya na lang gagawa ng buong financials nila, with full confidence and assurance na kaya niya. 2 weeks before the oral defense niya tinanggap yung task.
Days have passed, kabado bente na si client ko dahil wala pa rin yung financials from the adviser, long story short --- napasa ito ni adviser nila FEW HOURS before the oral defense, and kailangan pa itong i-attach sa mismong Feasib study nila. Hinapit nilang ma-attach. :(
Akala nila okay na, then nagdefense na sila --- the picture below is what the adviser did for them. BASURA is an understatement. As expected, major revision sila. Mabait ang panelists kaya hindi na sila pinag-redefense, they only need to do the financial aspect properly.
They hired me to avail my services. Nalaman ko kwento nila. Honestly, nainis din ako. Nakakaasar yung fact na walang remorse yung adviser na basura yung gawa niya na ikinababa ng score nila. Yung pangarap nilang maging best feasib, mas malabo pa sa tinta ng pusit mangyari. Nag-offer ng 'revision' si adviser, wag na daw nila ako i-hire kasi sayang gastos.
My advise to the students, wag niyo na siyang pansinin kung hindi naman siya ang magge-grade sa inyo kasi ipapahamak lang kayo nung adviser na yon. They listened to our counsel.
Ending, pasado yung nagawa namin sa kanila. Smooth. Bookbind na sila. By the way, dalawa silang clients/groups na may ganitong kwento, classmates yata sila. Dalawa silang "pinahamak ng adviser."
Moral of the story: HINDI CHINA-CHATGPT ANG FS! For the commissioners, wag tumanggap ng bayad kung hindi niyo alam paano gawin ng tama at maayos yung pinapagawa sa inyo.