11/06/2021
Mahal maging tamad !!! πππ
Swerte, o Sweldo?
Bakit karamihan ng Pilipino mas umaasa sa swerte kaysa sa sweldo?
Mahirap maghanap ng empleyado ngayon, maski maraming taong walang trabaho. Pero, in spite of this, marami pa rin ang tumataya sa lotto, sa Jueteng and sa online sabong. Maliit na nga ang income nagsusugal pa.
Kung walang magawa ang Pilipino, ang pass time nya ay majong o pusoy dos. Imbes na mag hanap ng trabaho, sasabihin sa iyo, βMabuti nang gutom, wag lang pagod!β
Hindi ba nila naisip na ang swerte minsan lang. And kung makaswerte man sila, mabilis maubos ang pinanalo nila.
Diba mas mabuti magtrabaho para magka sweldo? Kasi kung araw araw kang nagtratrabaho, araw araw din ang pasok ng pera. Tapos, kung busy ka sa trabaho, maliit ang gastos mo kasi wala kang panahon magbisyo, magshopping, magsuggal, etc.
In life, I learned that when you stop working, you start spending! Mahal maging tamad! Kasi kung wala kang ginagawa, kakain ka pa rin at tapos gagastos ka para maghanap ng pangpalipas oras.
If you want to become rich, you must look for a regular income that will constantly fill your wallet. Though luck may fill your wallet for a while, if nothing replenishes it your wallet will soon be empty. Though a salary may be small in the beginning, if you take care of it, in the proper time, your wallet will overflow.
Wag kang umasa sa swerte kasi konting konti lang ang taong swerte. Pero lahat tayo pwedeng yumaman, kung may regular income tayo or sweldo.