10/06/2026
π’ NCM Accounting Advisory
βοΈ SUPREME COURT: KAILANGAN PA RING I-REMIT ANG SSS CONTRIBUTIONS NG EMPLEYADO KAHIT SA PANAHON NG ILLEGAL DISMISSAL
Isang mahalagang paalala para sa mga employer at HR practitioners: Nagpasya ang Korte Suprema na ang obligasyon ng employer na mag-remit ng SSS contributions ay hindi nawawala kahit na ang empleyado ay naalis sa trabaho nang iligal.
Ayon sa desisyon ng Korte Suprema, ang isang empleyadong napatunayang ilegal na natanggal sa trabaho ay itinuturing na hindi kailanman nawalan ng employment status. Dahil dito, nananatili ang kanyang karapatan sa sahod, benepisyo, at social security coverage na sanaβy natanggap niya kung hindi siya natanggal.
π Ano ang ibig sabihin nito para sa mga employer?
β
Kailangang bayaran at i-remit ang mga hindi naipadalang SSS contributions para sa panahon ng illegal dismissal.
β
Maaari ring magkaroon ng malaking penalties at interest dahil sa late remittance.
β
Ang obligasyong ito ay hiwalay sa usapin ng backwages, separation pay, o iba pang labor claims.
π Ano ang ibig sabihin nito para sa mga empleyado?
β
Protektado ang inyong SSS coverage at retirement benefits kahit kayo ay iligal na natanggal sa trabaho at kalaunan ay napatunayang tama ang inyong kaso.
π‘ NCM Accounting Reminder:
Ang tamang payroll administration, SSS compliance, at maayos na employee records ay mahalaga upang maiwasan ang mabigat na penalties at legal liabilities. Siguraduhing updated at compliant ang inyong kumpanya sa lahat ng statutory contributions.
Para sa payroll compliance, labor-related accounting concerns, at SSS remittance assistance, makipag-ugnayan sa NCM Accounting Office and Consultancy.