20/05/2024
SIPAG AT TIYAGA (MUST READ)
Ang daming nag sasabi sakin bakit daw ang sipag sipag kong kumausap, mag present, mag turo tungkol sa Insurance.
Ang lagi kong sagot sa mga tao "Sabihin natin na halimbawa, ikaw ay naka tuklas ng lunas sa cancer na hindi na kaylangan mag chemotherapy ng pasyente at 100% na gagaling sila dahil sa natuklasan mo. Sasarilihin mo ba yun, o gagawa ka ng paraan para malaman ng mga tao ang iyong natuklasan? Hindi mo ba gagawin ang best mo para maibigay ang lunas na iyon para sa iyong pamilya o sa kapwa Pilipino?
Ano ang konek nito sa Insurance?
Ngayon, ang tanong ko ay. Pano kung merong paraan para ang pamilya mo ay hindi mag hirap. Paraan na kung magkasakit ka man na malubha, ang aatupagin mo na lang ay ang iyong paggaling. Tipong mawawala na sa iyong isipan, na papano ang aking pamilya, papano na ang mga anak ko. Papano na ang aking negosyo?, papano na ang lahat ng naipundar ko?
Pano kung merong paraan na tuloy tuloy pa rin na makakapag aral ang iyong anak. Na ang pamilya mo ay mayroon pa rin pagkain sa hapag? Na kahit hindi mo na kayang i manage ang negosyo mo hindi kaylangang mag hirap ang pamilya mo. Gugustuhin mo ba yun para sa iyong pamilya? Gagawa ka ba ng paraan para magkaroon nun?
Bakit nga ba ang sipag ko? Kahit alam kong hindi lahat ay maniniwala o mag titiwala?
Para sakin, alam ko ang pakiramdam nang nawalan. Ngayon na may oportunidad akong protektahan ang iba. Ipagkakait ko pa ba?