Calapan Law and Accounting Office

Directions

Calapan Law and Accounting Office Attorney-at-Law, Notary Public, also handles accounting, bookkeeping and tax preparation services.

30/08/2026

May biglang nag-message, nag-e-mail, o tumawag at nagsabing taga-bangko sila? Mag-ingat. Baka scammer ’yan.

Huwag mag-click ng links mula sa kahina-hinalang text messages o e-mails, at huwag magbigay ng personal o financial information sa hindi mo kilalang sender.

Gawin ang o para sa mas ligtas at secure na transaksyon. 👍

19/08/2026

Alam mo na ba kung magkano ang 𝗽𝗿𝗲𝗺𝗶𝘂𝗺 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 ngayong taon?

Alamin ang tamang halaga upang manatiling updated ang inyong membership at para magamit ang inyong mga benepisyo anumang oras.

Basahin ang post para sa buong detalye.


19/08/2026

Hindi itinuring ng na “advertisement” sa ilalim ng PD No. 957 o 𝘚𝘶𝘣𝘥𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘊𝘰𝘯𝘥𝘰𝘮𝘪𝘯𝘪𝘶𝘮 𝘉𝘶𝘺𝘦𝘳𝘴’ 𝘗𝘳𝘰𝘵𝘦𝘤𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘋𝘦𝘤𝘳𝘦𝘦 na parte ng mga “warranty” ng developer ang pangako ng ahente na mag-iisyu ng 𝘊𝘰𝘯𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵 𝘵𝘰 𝘚𝘦𝘭𝘭 matapos mabayaran ang 𝘳𝘦𝘴𝘦𝘳𝘷𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘧𝘦𝘦 ngunit inatasan pa rin nito ang 𝘥𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘦𝘳 na ibalik sa nakabili ang binayad matapos hindi tuparin ng ahente ang nasabing pangako.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, inatasan ng Ikatlong Dibisyon ng ng Korte Suprema ang Empire East Land Holdings, Inc. (Empire East) na isauli ang mga ibinayad ni John Edrem Bautista (Bautista) matapos itong mabigong mag-isyu ng ipinangakong 𝘊𝘰𝘯𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵 𝘵𝘰 𝘚𝘦𝘭𝘭 .

Nagbayad si Bautista ng PHP 130,000 para sa isang 𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘪𝘢𝘭 𝘶𝘯𝘪𝘵 sa Empire East na binubuo ng PHP 20,000 𝘳𝘦𝘴𝘦𝘳𝘷𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘧𝘦𝘦 at PHP 110,000 na karagdagang bayad. Ayon kay Bautista, nagbayad siya dahil nangako ang ahente ng Empire East na mag-iisyu ng 𝘊𝘰𝘯𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵 𝘵𝘰 𝘚𝘦𝘭𝘭 kapag nabayaran na niya ang 𝘳𝘦𝘴𝘦𝘳𝘷𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘧𝘦𝘦. Nang lumipas ang mahigit isang taon at hindi pa rin naibigay ang kontrata, itinigil ni Bautista ang pagbabayad at hiniling ang pagsasauli ng kanyang mga ibinayad.

Sumang-ayon ang Korte Suprema sa naging desisyon ng Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) at Court of Appeals na pabor kay Bautista. Pinagtibay ng Korte Suprema na karapat-dapat makatanggap si Bautista ng refund, pero nilinaw din nito na hindi saklaw ng Seksyon 19 ng PD 957 ang pangako ng ahente.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang Seksyon 19, na nag-aatas na maging totoo at hindi mapanlinlang ang mga 𝘢𝘥𝘷𝘦𝘳𝘵𝘪𝘴𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 at 𝘴𝘢𝘭𝘦𝘴 𝘮𝘢𝘵𝘦𝘳𝘪𝘢𝘭, ay nalalapat lamang sa mga materyal na inilaan para sa pangkalahatang publiko, gaya ng mga inilalathala sa mga pahayagan o ipinapalabas sa radyo, telebisyon, at iba pang katulad na paraan ng 𝘮𝘢𝘴𝘴 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘶𝘯𝘪𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯. Hindi nito saklaw ang mga pangakong ginagawa ng ahente sa mga indibidwal na mamimili.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na nananatiling protektado ang mga mamimili dahil maaari pa ring managot ang mga 𝘥𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘦𝘳 sa ilalim ng kanilang mga obligasyong kontraktuwal at iba pang naaangkop na batas.

Inatasan nito ang Empire East na isauli kay Bautista ang PHP 130,000, na may interes na 6% kada taon mula nang ihain ang reklamo noong 2012, at magbayad ng PHP 260,000 bilang 𝘦𝘹𝘦𝘮𝘱𝘭𝘢𝘳𝘺 𝘥𝘢𝘮𝘢𝘨𝘦𝘴 o danyos na iginagawad ng mga hukuman para pigilan ang maling pagkilos at magsilbing babala laban sa mga katulad na gawain.

Basahin ang 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘴 𝘳𝘦𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171359.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2026/05/272556-1.pdf.

Sumunod sa 𝘊𝘳𝘦𝘥𝘪𝘵 𝘈𝘵𝘵𝘳𝘪𝘣𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘗𝘰𝘭𝘪𝘤𝘺 ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


19/08/2026

KALIGTASAN MUNA SA PANAHON NG MASAMANG PANAHON

Sa panahon ng bagyo, malakas na pag-ulan at iba pang weather disturbances, maaaring suspindihin ng mga employer sa pribadong sektor ang trabaho upang mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga manggagawa.

Narito ang mga patakaran sa bayad:

🔹 Hindi nagtrabaho – Walang regular na sahod, maliban kung may mas paborableng company policy, practice, CBA, o paggamit ng accrued leave credits.
🔹 Nagtrabaho nang 6 oras o higit pa – Karapat-dapat sa buong regular pay.
🔹 Nagtrabaho nang mas mababa sa 6 oras – Proporsyonal na bayad batay sa aktuwal na oras ng trabaho.

Mahalaga: Ang manggagawang hindi pumasok o tumangging magtrabaho dahil sa napipintong panganib dulot ng masamang panahon o katulad na pangyayari ay hindi dapat patawan ng administrative sanction.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Labor Advisory No. 14, Series of 2026 – Suspension of Work in the Private Sector by Reason of Weather Disturbances and Similar Occurrences.

Unahin ang kaligtasan. Maging alerto, manatiling ligtas, at sumunod sa mga opisyal na abiso.






05/07/2026
22/05/2026
13/03/2026

TANONG NG BAYAN | Kinakailangan ba o obligado bang gamitin ng mga kababaihan ang apelyido ng kanilang asawa matapos ikasal?

Hindi. Ayon sa agham ng batas, "Hindi tungkulin ng babaeng nag-asawa na gamitin ang apelyido ng kanyang asawa. May karapatan siyang pumili, o manatiling gamit ang kanyang apelyido sa pagkadalaga."

Siya ay may karapatang mamili sa mga sumusunod na opsyon sa paggamit ng apelyido:

✅ Patuloy na paggamit ng kanyang apelyido sa pagkadalaga; (Hal. Isay Dela Cruz)

✅ Paggamit ng kanyang apelyido sa pagkadalaga at pagdagdag ng apelyido ng kanyang asawa; (Hal. Isay Dela Cruz-Santos)

✅ Paggamit ng kanyang unang pangalan at apelyido ng kanyang asawa; (Hal. Isay Santos)

✅ Paggamit ng buong pangalan ng kanyang asawa, kasama ang salitang nagpapahiwatig na siya ay kanyang asawa, tulad ng "Gng." (Gng. Isko Santos)

Para sa iba pang kahalintulad na impormasyon, mangyaring bumisita sa link na ito: h.ttps://pcw.gov.ph/faq-use-of-maiden-name/


13/03/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Ibinahagi ni DOLE Assistant Secretary at Spokesperson Lennard Constantine C. Serrano na hinihikayat ng Kagawaran ang pribadong sektor na magpatupad ng alternative work arrangement, kung mapagkasunduan ng mga manggagawa at kanilang mga employer ang setup na mas angkop para sa kanila.

𝘋𝘡𝘔𝘔 𝘎𝘪𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘴 | 6 𝘔𝘢𝘳𝘤𝘩 2026






15/02/2026

Nagpasya ang na puwedeng kilalanin bilang magkatuwang na may-ari ng ari-arian (co-owners of property) ang mga nagsasama na magkapareho ang kasarian, alinsunod sa Artikulo 148 ng Family Code, kung may sapat na patunay na kapwa silang may aktuwal na ambag sa naturang mga pag-aari.

Sa isang desisyong isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez, pinagbigyan ng Second Division ng Korte Suprema ang reklamo ng isang babae para sa paghahati ng ari-arian at kinilala siya bilang isa sa mga may-ari ng bahay at lupang kanyang pinagsamahan kasama ang kanyang kaparehong kasarian na partner.

Ang Artikulo 148 ng Family Code ang nagtatakda ng mga patakaran sa pagmamay-ari ng ari-arian ng mga magkaparehang nagsasama ngunit hindi maaaring magpakasal ayon sa batas, at kinikilala nito ang pagiging magkatuwang na may-ari batay sa aktuwal na ambag ng bawat isa.

Nagsama ang dalawang babae bilang magkarelasyon. Isang taon matapos ang kanilang relasyon, bumili sila ng isang bahay at lupa, at napagkasunduan nilang isa sa kanila na lamang ang irehistrong pangalan para mapadali ang mga transaksyon sa bangko.

Nang maghiwalay sila, napagkasunduan nilang ibenta ang ari-arian at hatiin nang pantay ang kita. Isa sa kanila ang lumagda sa isang Acknowledgment na nagpapatunay na ang isa pa ay nag-ambag ng halos 50% ng gastos sa pagbili at pagpapagawa ng bahay.

Gayunpaman, kalaunan ay hindi siya pumayag na ibenta ang ari-arian at itinanggi niya na ang dating karelasyon niya ay isa ring may-ari nito.

Para maprotektahan ang kanyang karapatan, ang dating kapareha ay naglagay ng adverse claim sa titulo ng ari-arian at humiling ng paghahati nito. Nang hindi ito magtagumpay, nagsampa siya ng kaso para sa paghahati ng real estate at kabayaran sa danyos, gamit ang Acknowledgment bilang patunay ng pagiging magkatuwang na may-ari.

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang reklamo para sa paghahati ng ari-arian, habang nilinaw nito ang mga probisyon sa Family Code na namamahala sa ugnayan sa ari-arian ng mga magkasintahang nagsasama ngunit hindi kasal.

Ang Artikulo 147 ay naaangkop sa mga magkasintahang hindi pa kasal ngunit maaaring magpakasal ayon sa batas. Ang ari-ariang nakuha habang sila’y nagsasama ay ipinapalagay na pagmamay-ari ng magkatuwang.

Samantala, ang Artikulo 148 ay naaangkop sa mga magkasintahang hindi pinapayagang magpakasal. Tanging ang mga ari-ariang nakuha sa pamamagitan ng aktuwal na ambag ang itinuturing na pagmamay-ari ng magkatuwang.

Dahil ang Family Code ay nagpapahintulot lamang ng pag-aasawa sa pagitan ng lalaki at babae, itinuring ng Korte Suprema na ang mga magkaparehong kasarian ay sakop ng Artikulo 148.

Dito, napagpasyahan ng Korte Suprema na ang nilagdaang Acknowledgment, kung saan inamin ng isang kapareha na nagbayad ang isa pa ng halos kalahati ng gastos sa ari-arian, ay itinuturing na may bisa at sapat na patunay ng aktuwal na ambag. Ito ang nagpatibay sa pagiging magkatuwang na may-ari.

Basahin ang Press Release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160462.

Basahin ang kabuuang teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160431.

Basahin ang Concurring Opinion ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160444.

Basahin ang Concurrence ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160439.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC Public Information Office: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

10/02/2026

⚠️ 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬: SEC warns the public that 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗡𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡, an entity owned and operated by BERNABE LLASOS and GINA HACHERO LLASOS in Mountain Breeze Subdivision, Lumbo, Valencia City, Bukidnon, is 𝗡𝗢𝗧 𝗿𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱 with the Securities and Exchange Commission as a lending company.

This advisory is based on the information gathered by the Commission showing that PATANTUHAN has been engaged in lending activities without the required authority, offering loan services to the public despite not being licensed by the Commission.

🔗 Read the full Advisory here: https://www.sec.gov.ph/advisories-2026/advisory-against-patantuhan/

Address

Alae
Manolo Fortich
8703

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calapan Law and Accounting Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share