01/06/2022
Hindi palaging maganda ang ikot ng mundo.
Hindi lagi’t laging pabor sa’yo ang mga tao. Hindi na mawawala ang pagpuna sa mga maling magagawa mo. Palaging may pipigil. Lagi’t laging may babakod sa mga pangarap mo.
Dahil ba ito’y hindi ang nakalaan sa’yo?
Dahil ba ito’y hindi ang nakaplano sa’yo?
Sa tingin ko, paraan lang din ito ng mundo — para ihanda ka sa mga bagay na hindi mo inaasahang mas kakailanganin mo — higit pa sa iyong hiling at gusto.
Siguro, hinuhulma ka lang ng panahon — para mailabas ang pinakamaganda mong bersyon.
Tipong sa susunod na subukin ka ulit ng kalawakan, ay hindi ka na mahina, hindi ka na nangangapa, hindi ka na magsisimula sa wala dahil natuto ka nang hindi dumepende sa iba.
Kaya’t sa ngayon, MAGPATULOY KA.
Kahit walang nakakakita.
Kahit walang naniniwala.
Kahit sabihin pa nilang “hindi mo ‘yan kaya”
Magpatuloy ka para sa sarili mo at hindi para sa kanila.
At huwag mong kalimutan ang pahinga ‘pag nakapapagod na.
Ctto: Mga Basang Unan