05/06/2023
๐ ๐น๐ผ๐๐ ๐ญ ๐ฐ๐น๐ถ๐ฒ๐ป๐. ๐๐ผ๐ฑ ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐น๐ฎ๐ฐ๐ฒ๐ฑ ๐ถ๐ ๐๐ถ๐๐ต ๐ญ๐ญ.
June na 4 agad. Ang bilis.
Naalala ko lang last month, may kliyente na ako na nag-back out dahil sa isang emergency. Payment na lang kulang.
Medyo matagal-tagal din ang prosesong pinagdaanan namin bago kami umabot sa huling stage ng application. 'Yun nga lang ay hindi umabot hanggang dulo. Naiiintindihan natin lalo't may valid reason naman. Hindi rin naman siguro magtatagal ay babalik din siya.
Gano'n talaga siguro minsan. Parte ito ng trabaho ko. Hindi rin naman ito ang unang beses na nangyari ito. Pero napatanong ako, "๐๐ผ๐ฟ๐ฑ, ๐ฎ๐ป๐ผ'๐ป๐ด ๐ป๐ฒ๐
๐ ๐บ๐ผ๐๐ฒ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป?" Kasi mahirap ang tumagal sa ganitong propesyon kung wala kang gabay ng Diyos. Kung self-confidence lang, wala. Dapat God-confidence ang dala-dala natin.
Ilang araw din ang lumipas, may natanggap akong mensahe. Isang kaibigan na matagal ko nang hindi nakakausap. Tinanong niya ako kung paano raw ba simulan ang product na ino-offer ko. Kung gaano naman katagal ang pinadaanan ko sa unang kliyente ko ng Mayo, siya namang bilis ng sumunod. Ang nakakatuwa rito, doble sa nawala ang dumating.
Hindi ko na namalayan, umabot na sa labing-isa lahat sa buwan lang ng Mayo. 'Yung nawalang isa, pinalitan ng labing isa!
Sabi nga, anytime you have to give up houses, spouses, jobs, income, or whatever it may be, God promises in Matthew 19:29 to give you back a hundredfold for your loss.
Kung sa tingin mo ay kinukuha sa atin ang mga bagay na gusto na 'tin, maaaring gusto lang ito palitan ng Diyos ng higit na mas maganda sa inaasahan.
It's hard but it's true: sometimes God removes good things from our lives for our good.
Keep the faith. Surrender your life, decisions, career, business, family, plans to the Lord. God never fails.