16/03/2026
Ipinababatid ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Malvar sa lahat ng kawani at sa mga mamamayang may transaksyon sa Municipal Hall na magkakaroon ng pansamantalang pagbabago sa oras at araw ng trabaho ngayong linggo kaugnay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa March 20, 2026 (Friday), na idineklarang Regular Holiday alinsunod sa Memorandum Order No. AMA-009 na inaprobahan ng ating Punong Bayan, Mayor Admiral Art Abu.
Dahil dito, pansamantalang sinususpinde ang
Compressed Workweek Arrangement.
Sa March 16 hanggang March 19, 2026 (Monday–Thursday),
ang oras ng trabaho sa Municipality of Malvar ay:
8:00 AM – 5:00 PM
(MONDAY – THURSDAY)
Ang pagbabago sa iskedyul ay ipinatupad upang matiyak ang tuloy-tuloy at maayos na paghahatid ng serbisyo ng mga tanggapan sa ating mga mamamayan; kaugnay nito, pinapayuhan ang publiko na planuhin ang kanilang pagpunta sa mga tanggapan alinsunod sa nakasaad na oras at araw.
Maraming salamat po!