18/04/2026
𝗧𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗶 𝗝𝘂𝗮𝗻 𝗡𝗼. 𝟲:
"𝗛𝗲𝗹𝗹𝗼 𝗕𝗜𝗥! 𝗥𝗲𝗾𝘂𝗶𝗿𝗲𝗱 𝗯𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗺𝗮𝗴 𝘀𝘂𝗯𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗔𝘂𝗱𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀 𝘀𝗮 𝗕𝗜𝗥?"
𝗔𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻:
Sa ilalim ng TRAIN Law Republic Act No. 10963, Section 71, (ito ay bahagi ng batas na nag-amyenda sa Section 232 ng National Internal Revenue Code (NIRC), ang mga sumusunod na taxpayer ang pangunahing required mag-submit ng Audited Financial Statements (AFS) sa Bureau of Internal Revenue (BIR):
1. Mga Individual Taxpayers (Sole Proprietors/Professionals)
- Obligado kang magpa-audit sa isang Accredited CPA kung ang iyong gross annual sales, earnings, o receipts ay:
a. 𝗛𝗶𝗴𝗶𝘁 𝘀𝗮 ₱𝟯,𝟬𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬.
b. Kasama rito ang mga freelancers, online sellers, at professionals na 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗴𝘂𝗺𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗢𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮𝗿𝗱 𝗗𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗢𝗦𝗗).
2. Mga Korporasyon (Domestic at Foreign) na ang gross annual sales, earnings, o receipts ay 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗺𝗽𝗮𝘀 𝘀𝗮 ₱𝟯,𝟬𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬.
Paalala sa Pag-submit:
Dapat itong i-file online sa pamamagitan ng eAFS System sa loob ng 15 araw matapos ang deadline ng pag-file ng Annual Income Tax Return.
Gayunpaman, sa RMC 30-2026, pinalawig hanggang May 15, 2026 ang deadline ng paghahain ng 2025 Annual Income Tax Return (AITR). Kasama sa extension na ito ang pagbabayad ng buwis at pagsusumite ng mga kinakailangang attachments.
𝗜𝗯𝗶𝗴 𝘀𝗮𝗯𝗶𝗵𝗶𝗻, 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆 𝟭𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗮𝗱𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝘂𝗺𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱:
• 𝗣𝗮𝗴-𝗳𝗶𝗹𝗲 𝗻𝗴 𝗔𝗜𝗧𝗥
• 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘅 𝗱𝘂𝗲 (𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆𝗿𝗼𝗼𝗻)
• 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗺𝗶𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗿𝗲𝗾𝘂𝗶𝗿𝗲𝗱 𝗮𝘁𝘁𝗮𝗰𝗵𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀
Pagkatapos nito, inilabas ang RMC 39-2026 upang lalo pang linawin ang deadline ng pagsusumite ng attachments.
Nilinaw dito na hanggang May 15, 2026 din ang deadline ng submission ng attachments.
𝗦𝗮 𝗺𝗮𝗱𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗯𝗶: 𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗮𝗱𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗻𝗴 𝗳𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗮𝘁𝘁𝗮𝗰𝗵𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀 — 𝗠𝗮𝘆 𝟭𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲.