15/09/2020
Shout out sa mga gustong sa bangko lang ang pera nila dahil safe and secured daw. Kung pang araw-araw na gastusin or pambayad sa mga bills, ok lang na nasa bangko. Safe and secured talaga yan. Pero kung longterm, lugi ka dahil from 0.25% or 1/4 ng 1%, naging 0.125% na lang ngayon! Kakainin lang ng inflation ang pera mo.
Kung may P100k ka sa bangko, after 1 year kikita yan ng P125. Less 20% withholding tax, P100 na lang matitira sayo. (Kapag pinambili mo yan ng isang meal sa Jollibee, aba'y dahan-dahanin mo ang pagnguya at paglunok. Isang taon kayang pinaghirapan ng pera mo yan.)
So kung longterm, like nag-iipon ka para sa retirement mo, saan dapat nakalagay ang pera mo? Dapat sa mutual funds, stocks, premium deposit funds, longterm healthcare at sa iba pang longterm financial instruments. Para hindi ka nalulugi. π