15/10/2022
Happy Saturday, everyone!
Ang dami naming pinagdaanan lately.
My daughter had dengue and was admitted for almost a week, tapos syempre pagbalik ni ate girl sa work - madami dami tayong backlogs na hahabulin. Ngarag as in ngarag talaga dahil we have bills to pay! 👊🏻
Work from home mommy ako kaya yung stress nagpapile up na rin sakin. Bihira din akong magkaroon ng me time sa totoo lang, palagi kong hawak ang phone, ipad at laptop sa dami ng kausap ko.
Tapos may mga oras na hindi maiiwasan na nangungulit din yung anak mo, pero for me, once na ginagawa na niya yun - it’s a sign that she needs me. She’s demanding my attention kasi baka masyado na naman akong focus sa trabaho. Kaya once maramdaman kong kailangan na niya ako, immediately dinadrop ko lahat ng ginagawa ko at naguusap kami, or nagbabasa ako ng books with her, we watch her favorite educational vlogs, or nagmemerienda kami together. ❤️ Ang bilis bilis lang ng mga araw, mamaya lang hindi na niya ako kukulitin, kasi ako na mangungulit sa kanya.
This is my favorite photo for the week - late night na to kaya puyat moments ko ito. Pero this time, hindi siya nagseek ng attention. Lumapit siya sakin kasi she handed over Pororo (yung penguin) para daw may kasama ako at ka-hug while working. Precious no?
Kapag mommy ka na, despite your personal struggles, yung mga anak talaga natin ang magpapalakas ng loob natin to go through all those **masakit sa dibdib*** na moments.
Kayo ba? Kamusta ang naging week niyo na to? Sa lahat ng may pinagdadaanan, yakap! Kaya natin to! 😘