29/11/2021
Sa buhay ng tao madalas ito yong nangyayari sa atin. Kahit alam natin o sadyang ginagawa talaga. Ito yong tatlong bagay sa buhay natin.
1.)UTANG - Hindi naman masama umutang, yong masama kung hindi ka marunong magbayad.😃😃😃 May dalawang klase ng utang.
1.) GOOD DEBT - umutang ka ng pera 💵 dahil ginamit mo sa mabuting bagay. Halimbawa humiram ka ng pera 💴 na may tubo, dahil ginamit mo sa pang matrikula ng anak mong nag aaral. Ginamit mo sa negosyo, placement fee, medical emergency ♿ para ipagamot yong pamilya mo at maligtas yong buhay. Ito yong utang na nakapagligtas sayo at sa pamilya mo. May babalik at kumikita yong pera 💰 mo, ROI Return Of Investment dahil napunta sa tama.
2.) BAD DEBT - umutang ka ng pera 💶 dahil ginamit mo sa porma o luho sa katawan. Halimbawa humiram ka ng pera 💷 na may tubo. Dahil bibili ka ng IPHONE 10, 📱dahil ito yong uso at maiwan ka. Kasi yong kaibigan mo mayroon tapos ikaw wala. May IPHONE 10 📱ka nga pero wala ka namang ipon. Ginamit mo sa car loan bumili ka ng FERARI 🏎 pang porma, para ipakita sa mga kaibigan mo na mayroon kang bagong sasakyan na maganda. Ito yong utang na ginamit mo lang yong pera 💵 at nalustay, walang bumabalik sayo na ROI or Return Of Investment.
Sabi nga kung hindi mo makontrol umutang, si utang ang mag kontrol sayo. “ RAT RACE “ nalang yong buhay mo. Parang trabaho - sahod - bayad utang, ito nalang palagi yong scenario sa buhay mo. Hindi kaba nag sasawa, walang pagbabago kung wala kang bagong gagawin at baguhin sa sarili mo.
2.) GASTOS - Ito yong isang bagay na dapat alam mo ding kontrolin yong pagastos. Dahan dahan sa pagwaldas ng iyong perang 💶 pinaghirapan. Identify your “ NEEDS vs WANTS”.
💥NEEDS - pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain,🍔 damit, 🧥tirahan,🏘 edukasyon📚at kalusugan.👨👩👧👧 Ito yong mga bagay na kailangan natin sa ating buhay. Kailangan nating kumain para tayo ay mabuhay, hindi lang tayo nabubuhay para kumain. Bumili ka ng damit na kailangan mo lang. May ma ayos na tirahan, edukasyon para sayong mga anak. Malusog na katawan, dahil ang tunay na kayamanan ay kalusugan.
💥WANTS - ito yong mga bagay na gusto mo lang bilhin. Para pang porma at ipakita sayong mga kaibigan. “ You buy this things to please everybody like: gadgets,💻 fashion, 👟 jewelry 🔆 and cars 🚗“. Bago bumili ng isang bagay isipin mo muna kung kailangan ko ba talaga ito o gusto kulang. Para hindi ka magsayang ng pera, tapos sa huli magsisi ka lang, dahil hindi mo naman kailangan. Binili mo lang yong isang bagay dahil gusto mo lang.
3.) SAVING - bakit kailangan nating mag ipon? Dahil hindi habang buhay malakas💪 tayo at kaya nating magtrabaho.👨🔧 Hindi habang buhay malusog 🏃♂️🏃♀️ yong katawan natin at hindi tayo magkakasakit. Nag - iipon tayo para paghandaan yong kinabukasan natin lalo yong pagtanda. Sabi nga nila “ YOLO You Only Live Once, you need to enjoy.” Tama ka sa sinabi mo pero ang sagot ko naman. “ YAGO You Also Grow Old ". Paano ka nalang pagtanda mo? Anu yong bubuhay sayo? Kasi matanda kana at maysakit kapa. Kaya yong savings ang sasalo sayo at mga investment mo na ginawa noong bata kapa. “Not only SAVE for the MONEY but INVEST to make it grow 💵💰💶“.
Kung gusto mo pang maraming matutunan kung paano makawala sa utang.
Pwede ka umattend ng aming free seminar.