08/04/2023
ANO BA YANG MUTUAL FUND NA YAN?
Ang Mutual Funds ay isang uri ng investment instrument na kung saan ang pera ng mga investors (individual & corporate investors) ay pinagsasama-sama (pooled funds) at ito ay pinangangalagaan at inilalagak ng tinawatag na “Fund Manager” sa ibat-ibang klase ng investments gaya ng Stocks, Bonds, Money Market at iba pa upang lumago ang pera ng mga nag-iinvest dito.
Ayon kay Aya Laraya, isang investment advocate, Kapag nag-iinvest ka ng direkta sa Stock Market, para kang nagmamaneho ng sarili mong kotse at ikaw ang may kontrol ng manibela. Maari kang lumiko pa-kaliwa, pa-kanan, magdahan dahan or bilisan ang iyong takbo, nasa diskarte mo na yan. Pero dapat alam mo na sa iyong pagbyahe ay mayroon kang susuunging risk o panganib, kaya dapat marunong kang mag-ingat sa iyong pagmamaneho.
Sa kabilang banda, kung hindi ka pa marunong “magmaneho” o kasalukuyan ka pa lamang na nag-aaral kung paano mag-invest sa Stock Market, dito papasok ang Mutual Fund!
Sa Mutual Fund, para kang sumasakay sa isang “jeep”, at kasama mo ang iba pang “pasahero” na pareho din ng ruta ng pupuntahan mo. Gaya din sa Mutual Fund na kung saan ang mga investor ay ang mga pasahero ng jeep at ang Fund Manager ay ang Drayber nito. Ipinagkakatiwala natin sa Drayber ang ating destinasyon, gaya ng pagtitiwala natin sa Fund Manager ng ating pera upang maging ligtas at lumago ang halaga nito, at gaya ng pagsakay ng jeep, kailangan nating magbayad ng pamasahe, gayundin, ang pag-iinvest sa Mutual Fund, na may kaukulan ding kabayaran o investment money.
Pero kung isa kang Member in IMG, yung bayad sa Fund Manager ay mawawala na dahil ito ay isa sa mga BENEPISYO mo bilang Miyembro..
Kapag investor ka na sa Mutual Fund Companies, magiging shareholder ka sa iba't ibang bluechips companies katulad ng SM, JOLLIBEE, PLDT, BDO, METROBANK, SAN MIGUEL CORP, MERALCO at marami pang iba.
Gusto mo pa bang mas matutunan ang lahat ng ito?
Attend ka po sa aming FREE FINANCIAL LITERACY SEMINAR.