01/05/2026
πππππππ | Labor Advisory No. 12, Serye ng 2025 β Pagbabayad ng Sahod sa ika-01 ng Mayo 2026 (Araw ng Paggawa) - Regular Holiday
Sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, isang regular holiday, pinaaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng mga employer na sumunod sa mga patakaran ng tamang pasahod ngayong araw.
Para sa mga empleyado, tinitiyak nito na sila ay mabibigyan ng tamang kabayaran sa ngayong araw. Sila ay may karapatang tumanggap ng 100% ng kanilang arawang sahod kahit hindi pumasok, bastaβt sila ay pumasok o nasa aprubadong leave na may bayad sa araw ng trabaho bago ang holiday. Samantala, ang mga papasok sa araw ng holiday ay may karapatang tumanggap ng 200% ng kanilang regular na arawang sahod.