11/09/2024
🔠 Word of the Day Wednesday:
Ever felt overwhelmed by financial jargons or corporate terms that sound intimidating? 🤔 Every Wednesday, let's break down technical finance and corporate terms into simple and easy-to-understand language.
This week, alamin natin kung ano nga ba ang "corporation" or "korporasyon."
Republic Act No. 11232, or the Revised Corporation Code of the Philippines, defines a corporation as an artificial being created by operation of law, having the right of succession and the powers, attributes, and properties expressly authorized by law or incidental to its existence. Based on this definition, a corporation has four attributes:
1️⃣ It is an artificial being. Ang pagiging tao o ang personalidad nito ay nagmumula sa o itinatakda ng batas.
2️⃣ It is created by operation of law. Ibig sabihin nito, hindi sapat na magkasundo lamang ang mga magpapatayo nito o ang tinatawag na incorporators upang mabuo ang isang corporation. Kailangan may batas na nagtatakda sa pagpapatayo at operasyon nito. Sa Pilipinas, ito ang Revised Corporation Code.
3️⃣ It has the right of succession. Ang buhay ng korporasyon ay hindi apektado kung ang isa sa mga stockholders o miyembro nito ay mawala o mamatay, dahil hiwalay ang personalidad nito sa mga nagmamay-ari o miiyembro ng korporasyon.
4️⃣ It has the powers, attributes and properties expressly authorized by law or incident to its existence. Maaaring pumasok ang korporasyon, gamit ang sarili nitong pangalan, sa mga kontrata at transaksyon, bumili at magbenta ng ari-arian, magsampa o sampahan ng kaso, at iba pang kapangyarihan na nakasaad sa Revised Corporation Code.
Kung gayon, maaring ilarawan ang isang korporasyon bilang isang organisasyong binubuo ng isa o mas marami pang indibidwal para patakbuhin ang isang negosyo o isulong ang isang layuning pangkawanggawa, pangrelihiyon, pang-edukasyon, pang-propesyonal, pang-kultural, panglipunan at iba pa. Sa bisa at sa mata ng batas, isa itong tao na may sariling pangalan, personalidad na hiwalay sa mga indibidwal na bumubuo nito, at kakayahang pumasok sa mga kontrata at transaksyon. Sa Pilipinas, ang mga korporasyon ay inirerehistro at nasa ilalim ng pangangasiwa ng Securities and Exchange Commission (SEC). 🏢