14/04/2026
https://www.facebook.com/share/p/1Ao4UZqDvy/
Pinalawig natin ang deadline ng filing ng 2025 Annual Income Tax Returns mula April 15 hanggang May 15, 2026. Mas may oras ang bawat taxpayer na makapag-file nang maayos, kasama ang lahat ng kailangang dokumento, at walang ipapataw na penalties.
Maaaring mag-file at magbayad sa pamamagitan ng BIR electronic platforms, o sa mga Authorized Agent Banks.
Ginawa natin ito para mas magaan ang pagbabayad ng bawat Pilipino, lalo na sa panahong ramdam ang pagtaas ng presyo ng langis. Tuloy-tuloy ang ating ginagawa para maibsan ang bigat sa araw-araw na buhay ng ating mga kababayan.