27/01/2026
𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐠𝐚 𝐛𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐫𝐞𝐟𝐮𝐧𝐝𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐮𝐥𝐨𝐠 𝐬𝐚 𝐋𝐢𝐟𝐞 𝐈𝐧𝐬𝐮𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞?
“𝗦𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝘂𝗹𝗼𝗴 𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻.”
Ito yung karaniwang linya ng mga kumuha ng insurance pero biglang natigil.
Pero ang tanong talaga ay..
Sayang ba talaga ang hinulog mo kapag huminto ka sa pagbabayad?
𝗧𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻: 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗸𝘂𝗺𝘂𝗵𝗮 𝗸𝗮 𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗳𝗲 𝗜𝗻𝘀𝘂𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲, 𝘆𝗼𝘂 𝗮𝗿𝗲 𝗽𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗽𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗮𝗻𝘆.
Example:
Naghuhulog ka ng ₱5,000/month para sa plan na may ₱3,000,000 life coverage. Hinulugan mo ng 1 year (₱60,000 total na nahulog) then suddenly you stop paying. (Nagka-emergency, nawalan ng work, na-out of budget o ano man rason)
Kapag bigla ka tumigil ng paghulog, mawawala rin ang coverage mo.
Parang kuryente lang yan. Kapag hindi ka nagbayad, puputulan ka ng service. Ibig sabihin ba nito sayang na yung naibayad mo sa power/electric company ng ilang taon?
So, sayang ba ang ₱60,000 na nahulog mo?
👉 Hindi. Kasi each month na nagbabayad ka ng Insurance mo, you are paying for a guaranteed benefits na kung may mangyari man, may sasalo ng medical expenses (kung magkaron man ng critical illness) and may siguradong maiiwan sa pamilya.
𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸𝘁𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝘁𝘄𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻.
Naghulog ka ng ₱5,000/month na plan. (₱60,000 sa loob ng isang taon) Tapos may biglang nangyari sa’yo (huwag naman sana).
Magbibigay ang insurance company ng ₱3,000,000 lump sum sa pamilya mo.
Pwede bang sabihin ng Insurance company:
“Bawiin namin ang ₱2,940,000 kasi ₱60,000 lang naman ang nahulog mo”?
👉 Hindi rin. Kasi yan yung nasa contract. Buong ibibigay yan ng Insurance company sayo o sa family mo kapag may nangyare. Guaranteed. Lump sum.
𝗟𝗶𝗳𝗲 𝗜𝗻𝘀𝘂𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗶𝘀 𝗿𝗶𝘀𝗸 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁. 𝗜𝗻𝘀𝘂𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗮𝗻𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗲𝘅𝗽𝗲𝗻𝘀𝗲𝘀 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗼 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗵𝗮𝗿𝗮𝗽.
Hindi ito katulad ng savings sa bangko na puwede mong bawiin lahat kapag gusto mo na tumigil. Kaya ideally meron kang bank savings at meron ka din life at health insurance.
𝗟𝗶𝗳𝗲 𝗜𝗻𝘀𝘂𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗶𝘀 𝗻𝗼𝘁 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝗴𝗲𝘁𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗺𝗼𝗻𝗲𝘆 𝗯𝗮𝗰𝗸.
𝗜𝘁’𝘀 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗿𝗲 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗻𝗲𝘃𝗲𝗿 𝗯𝗲 𝗹𝗲𝗳𝘁 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗻𝗼𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴. ✨