31/01/2022
FYI to Business Owners/HR Managers.
NADAGDAGAN NA: Alam mo ba ang pitong SSS Benefits?
1️⃣ Sickness Benefit - Halagang ibinabayad sa miyembro para sa mga araw na hindi siya nakapagtrabaho sanhi ng pagkakasakit o pagkapinsala.
2️⃣ Maternity Benefit - Arawang cash allowance na ipinagkakaloob sa isang babaeng miyembro na hindi makapagtrabaho dahil sa panganganak o pagkakunan.
3️⃣ Retirement Benefit - Halagang ibinabayad bilang buwanang pensiyon o lump sum amount sa isang miyembrong hindi na makapagtrabaho dahil sa katandaan.
4️⃣ Disability Benefit - Halagang ibinabayad bilang buwanang pensiyon o lump sum amount sa isang miyembrong nagkaroon ng pisikal o mental na pinsala o impairment, maging pansamantala o permanente man.
5️⃣ Death Benefit - Halagang ibinabayad bilang buwanang pensiyon o lump sum amount sa benepisyaryo ng namatay na miyembro.
6️⃣ Funeral Benefit - Halagang ibinabayad sa sinumang gumastos sa serbisyo ng punerarya o pagpapalibing ng namatay na miyembro o pensiyonado.
7️⃣🆕 Unemployment Benefit - Pinakabagong benepisyo ng SSS. Ito ay arawang cash allowance na ipinagkakaloob sa mga miyembro na nawalan ng hanapbuhay dahil sa retrenchment o downsizing, pagsasara ng pinapasukan dahil sa pagkalugi, o iba pang kadahilanan ng sapilitang pagkawala ng trabaho.
Ugaliin ang regular at wastong paghuhulog ng kontribusyon upang benepisyo ay laging sigurado!