Matthew Alamar

Matthew Alamar I bring clarity in personal finance.
2021 Health Protection Champion
Free session: bit.ly/LetsPrepare

Pepepepem!!!Sino ka sa KoolPals based sa Financial Style mo?Mas Mamu James ka bang Security First?O mala Godfather GB na...
14/10/2025

Pepepepem!!!
Sino ka sa KoolPals based sa Financial Style mo?

Mas Mamu James ka bang Security First?
O mala Godfather GB na Sulit King?

‘Di ko inakalang mapagsasama ko ang pagiging financial planner at The KoolPals fan, pero after 885 eps, eto na tayo! 🤣

Salamat sa basbas at permiso na bumuo ng archetypes mula sa comedy personalities ninyo:
GB Labrador
James Caraan
Nonong Ballinan
Reyes
Ryan Rems

DISCLAIMER: Ang mga financial style na to ay mga common na tendencies ng mga tao with regards sa pera at inilapat ko lang sa mga personality at mga salitang napapakinggan ko mula sa mga hosts ng show. This doesn’t necessarily reflect na ito na mismo sila sa totoong buhay.

Kung bubuo ka ng personal mong "hierarchy of investments" mala Maslow, paano mo bubuuin ito?Alin ang "must haves"? Alin ...
02/10/2025

Kung bubuo ka ng personal mong "hierarchy of investments" mala Maslow, paano mo bubuuin ito?

Alin ang "must haves"? Alin ang mga pang later stages?
Game!

Ano sa tingin mo ang pinaka mahal na bayarin sa cart na ‘to?Karne?Bigas?Canned goods?Actually wala sa mga yan.Dahil ang ...
13/09/2025

Ano sa tingin mo ang pinaka mahal na bayarin sa cart na ‘to?

Karne?
Bigas?
Canned goods?

Actually wala sa mga yan.

Dahil ang tunay na mabigat sa bulsa ay KATIWALIAN o CORRUPTION.

At hindi lang sa mga cart natin nagpapabigat 'to kundi pati sa lahat ng ibang bilihin natin.

Kasi kahit gaano ka kaingat sa pera, kahit magaling ka mag-budget, kahit consistent ka mag-ipon… lugi ka pa rin.

Dahil sa bawat sweldo, bawat grocery, bawat bill, may dagdag bayad na hindi nakasulat: ang tax na binabayad dahil sa katiwalian.

Imagine niyo, dapat isang bayad lang ang binibigay natin eh, kaso dahil sa overpriced na proyekto, nakaw sa pondo, at palpak na serbisyo, doble o triple ang binabayaran mo para sa parehong bagay.

🏥 Yung health services na makukuha na sana natin ng libre, biglang kulang sa pondo. Sino ang magbabayad out of pocket? Tayo.

📚 Yung eskwelahang dapat may libro at upuan, pero walang budget daw. Sino magbabayad ng tuition sa private school? Tayo.

🚧 Yung mga kalsada na maayos sana at mga bayan na hindi dapat babahain, ayun durog durog at lubog sa tubig ulan. Sinong magpapa repair at bibili ng bagong gamit? Tayo.

🛒 At kahit ang groceries, hindi nakaligtas. Kasi kung hindi ninanakaw ang pondo para sa irrigation, agriculture, transportation, mas mura dapat ang bigas, gulay, karne, at iba pang groceries natin.

Lahat ng yan dahil sa katiwalian, doble o tripleng patong ang kailangan nating ilabas para lang mapunan yun.

Madalas may magpapayo satin: "Wag mo na isipin ang politics, focus ka lang sa sarili mo."

Kaso ang masakit dun ay kahit hindi ka interesado sa pulitika, malaking impact parin ang pulitika sa itatakbo ng finances mo.

Kaya wag nating isipin na sapat na yung personal financial habits lang.

Oo, mahalaga mag-ipon, mag-invest, at kumuha ng insurance, pero hihigupin din lahat yan ng bulok na sistema.

Personal finance is not just personal, it's also political.

Kung nagbabayad ka ng tama, may karapatan ka ring humingi ng tama.

Kung marunong ka mag-demand ng resibo sa tindahan, dapat marunong ka ring mag-demand ng resibo sa gobyerno.

Demand accountability. Pera mo rin ang ginagamit ng mga 'yan.

Isipin mo yung kalahating cart natin ng grocery magiging doble yung laman. Diba ang saya nun?

Kaso kung hahayaan nating lamunin ng korapsyon ang pinaghirapan natin, habang buhay tayong lugi.

Grabe 3 years ago na pala itong cinonduct ko na talk sa Mindanao!Sobrang memorable experience dahil it was the first tim...
16/07/2025

Grabe 3 years ago na pala itong cinonduct ko na talk sa Mindanao!

Sobrang memorable experience dahil it was the first time na may nagpalipad sakin to conduct a face-to-face talk for their group.

Yung kahit maliit na event lang naman pero sa treatment nila pakiramdam ko para akong mag TED Talk, which in turn sinuklian ko rin naman ng pagiging all out sa preparation and sa mismong talk.

Marami mang sumunod, iba rin talaga ma reminisce yung first time. 🧡

Looking forward to do more of these talks pa! If you need a speaker for your group or company, pag usapan natin yan. ☺️

Pansin niyo ba? Daming nagtuturo kung ano ang dapat gawin niyo sa pera.Dapat ganto.Dapat ganyan.Pero gagana lang naman y...
30/04/2025

Pansin niyo ba? Daming nagtuturo kung ano ang dapat gawin niyo sa pera.

Dapat ganto.
Dapat ganyan.

Pero gagana lang naman yan kung parehas tayo lahat ng sitwasyon.

At dahil madalas naman ay hindi tayo parehas, eto lang ang dapat na gawin:

Tignan mo muna kung tugma sayo, dun mo malalaman kung “dapat” nga ba silang sundin.

Madalas akong tinatanong, “Bakit andali sayo kumalma kahit stressful na yung sitwasyon?”Isa lang sagot ko dyan, kung nas...
23/04/2025

Madalas akong tinatanong, “Bakit andali sayo kumalma kahit stressful na yung sitwasyon?”

Isa lang sagot ko dyan, kung nasurvive mo na yung pressure ng nanay ko, kaya mo na kahit saan. HAHAHA

De biro lang. Sa totoo lang malaki ang pasasalamat ko na early in life, naturuan na kami mag handle ng moments of panic.

Mula sa anong gagawin pag naligaw o naiwan sa isang lugar, anong unang ililikas pag may sunog, at kahit sa mas simple pang mga bagay, na orient kami.

Kase di maiiwasan yan eh, dadating at dadating ang mga moments na high stakes at high pressure. At sa mga ganung pagkakataon, the sooner na maka kalma ka at makapag isip ng diretso, mas malaking chance na masolusyonan at di sumablay ang resulta.

Siyempre kagaya ng halos lahat ng aral sa buhay, naprocess ko nalang ang mga to after time has passed. Solid lang na mabalikan at ma appreciate, salamat ma. 🫰🏼

Isa lang din yan sa maraming napagkuwentuhan namin ni Harry dito sa pangatlong episode ng podcast. Saya lang magbalik tanaw sa mga karanasan habang nag eextract ng mga pwedeng matutunan.

Kung trip niyong mapakinggan itong ep tungkol sa paghahandle ng panic at stressful situations, lagay ko yung link sa comment. 👇🏻

A good question to ask: (from LinkedIn)Should these financial institutions who supposedly “promote” good financial habit...
11/03/2025

A good question to ask: (from LinkedIn)
Should these financial institutions who supposedly “promote” good financial habits also become gateways of gambling?

What approach will be a step towards a better direction para sa mga ito?

Kung hirap ka magpigil ng gastos, wag mong sisihin yung kape...wala sakanya yung wallet mo.Masakit man marinig pero mins...
03/02/2025

Kung hirap ka magpigil ng gastos, wag mong sisihin yung kape...
wala sakanya yung wallet mo.

Masakit man marinig pero minsan kailangan na talaga rektahin eh, parang yung nagpa financial consult sa akin nung isang araw.

Malaki ang kita pero walang ipon, at ang sinisisi? Mahal daw ang kape. Pero nung pinag-usapan namin, lumabas ang totoong kalaban niya: Sarili niya.

Sarili niya na naniniwalang marami pa siyang oras sa future para mag-ipon. Kaya kahit may kapasidad, wala siyang effort—ni savings account nga na hiwalay, tinatamad siyang mag bukas.

Limang beses din daw siyang nag-out of the country last year, kaya napatanong siya kung masama ba yun. Sabi ko, hindi.

Pero ang masama yung patuloy niyang panloloko sa sarili na powerless siya sa sitwasyon niya, na ang kumokontrol sa pag gastos niya ay yung mga bagay na voluntary naman niyang ginagastusan.

This just goes to show na kahit na may opportunity to save, minsan 'di lang talaga priority.

Sobrang ironic pa dahil nung nireview namin ang income sources ng freelancer na'to, eh kumita at nakatipid na siya dahil sa kape:

✔️ Karamihan ng closed deals niya, sa coffee shop nangyari.
✔️ Mas maayos siyang nakakapagtrabaho kumpara sa bahay nilang sampu silang siksikan.
✔️ Tipid sa kuryente at data—salamat sa free WiFi at aircon.
✔️ Nakakuha pa siya ng client na coffee shop owner.

In the end, na-realize niyang hindi kape ang problema, kundi kawalan ng aksyon at commitment sa part niya.

At kaninang umaga ay nag-update siya with good news—sa wakas, nagbukas na ng savings account. 🤣

Kaya para sa'yo na nagbabasa sana tandaan mo:

Kung hirap ka magpigil ng gastos, wag mo munang sisihin yung kape o ano pa mang bagay... ikaw ang nagbubukas ng wallet mo.

--
P.S.
Bukas ang inbox ko kung kailangan mo ng kakampi sa pagpaplano ng finances mo. Alam kong mahirap kalabanin ang sarili mo. 😉

Patuloy lang ang misyon na iangat ang Financial Literacy para sa mga Pilipino. 🧡Salamat palagi Ms Salve and Ms May!Salam...
15/12/2024

Patuloy lang ang misyon na iangat ang Financial Literacy para sa mga Pilipino. 🧡

Salamat palagi Ms Salve and Ms May!
Salamat DZMM TeleRadyo!

PhilHealth's Zero Subsidy for 2025This is an important issue that concerns everyone kaya nakakalungkot na kung hindi ran...
14/12/2024

PhilHealth's Zero Subsidy for 2025

This is an important issue that concerns everyone kaya nakakalungkot na kung hindi rant e marketing post lang ng mga insurance agent na nag copy paste ng captions ang nababasa ng karamihan tungkol dito.

Pero, ano nga ba ibig sabihin nito para sa atin?
Let's get our facts straight muna.

🛑 Una, ang subsidy ay hindi pang kabuuang budget.

Ito ay suporta ng gobyerno (in form of finances) para ma enroll sa state health insurance (Philhealth) ang mga non-direct contributors.

Ito yung mga taong walang kakayanan mag contribute para maging member ng Philhealth. (Indigents, minors, senior citizens, etc)

🛑 Pangalawa, ibig sabihin hindi zero budget ang Philhealth at hindi madidiscontinue ang Philhealth starting ngayong 2025.

Kanina may kakabasa lang ako na post mula sa isang agent, "Kumuha na kayo ng insurance dahil wala nang Philhealth next year."

Nakakatawa dahil nung tinignan ko sa Insurance Commission yung level of reserves ng mga insurance company sa Pinas, wala pang 10% ng reserves ng Philhealth, kaya kung ubusan lang ng pera eh mas likely pang unang mawala ang mga ito. 🤣

Now how does this affect Philhealth?

They will now be forced na gumamit ng ibang means para maienlist ang mga members na hindi kaya mag contribute at mag fund para sa mga medical expenses.

The lawmakers' intention sa move na to is based on these questions:

❓ May pera ang Philhealth, bakit hindi ginagamit?

❓ May "No Zero Balance Billing" policy tayo in place.

Ginawa to para mabawasan yung posibilidad na kailangan pa mag out of pocket spending ng tao imbis na sagot na ng Philhealth insurance ang expenses. Ayon sa data nila, mas marami pang beses na hindi ito napapatupad at nagbabayad pa rin ang tao ng sarili kahit may Philhealth na dapat sumalo.

Kaya bakit kailangang bigyan ng dagdag na pera ang agency na hindi tumutupad sa dapat nilang gawin?

❓ Bilang insurance ang Philhealth, may portion dapat ng fund na iniinvest para lumago ang pera at ma ensure may sapat na funds.

Pero ang nangyayari puro invest lang, napapabayaan ang members sa panget na coverage at patuloy na price increase. Bakit hindi balansehin ang pagpprovide ng benepisyo at pag iinvest ng pera?

Based on this, clearly may lapses ang pagpapatakbo ng Philhealth.

Kung contributing member ka ng Philhealth, ramdam mo yan na hindi efficient at akma sa contribution mo ang natatanggap na benefits ng Philhealth.

Kaya dapat may magbago.
Dapat maging accountable ang Philhealth sa duties nito as state insurance.
At dapat makapag provide ng mas maayos silang benefits para sa mga Pilipino.

Pero ang tanong, is cutting the subsidy the right move para pagalawin ang Philhealth?

Tignan natin what can go wrong with this.

🙅‍♂️ Dahil sa pag cut ng subsidy, oo mapipilitan ang Philhealth gamitin ang pondo na meron sila. But this also means, apart from those funds, sino ang sasalo ng pressure ng expenses ay sino? Yes, tama ka: MGA NAGBABAYAD NG PHILHEALTH CONTRIBUTIONS.

Saan pa ba sila kukuha ng pera bukod sa pondong naipon at naka invest kundi sa premiums na nakukuha sa pamamagitan ng contributons na kinakaltas sa atin or binabayad natin as voluntary members.

At para ma allocate sa mga tao ang benepisyo, kung hindi man tumaas ang contributions natin, malamang e mastuck tayo sa panget na benepisyo dahil ang pag angat ng benepisyo will mean tataas ang spending nila sa lahat.

🙅‍♂️ Pangalawa, ang basis ng decision ay yung Php 600 billion daw na reserve funds ng Philhealth. Malaki ba ito? Aba oo naman.

Pero ang hindi natignan dito ay dahil insurance ito,may liabilities to pay ang Philhealth sa mga miyembro. At based sa numbers ng Philhealth, Php 1+ Trillion ang liabilities na kailangan nilang bayaran sa mga miyembro as coverage.

So kahit kaya man ng Philhealth funds bayaran ang claims sa ngayon, maaaring in the future kukulangin ang pera nila to fulfill all these obligations to its members, kung patuloy na walang support na makukuha from the government.

🙅‍♂️ May posibilidad ngayon na lalo pang hindi makapag upgrade ng services ang Philhealth dahil magiging concerned sila sa pag mamanage ng kung ano ang natirang pera at pano hindi ito maubos versus being able to focus into expansion ng benefits.

Ngayon, itong kasunod na part naman na to is a personal opinion, as an individual contributor and a paying member.

Dapat lang na mag demand ng better performance from Philhealth.
Dapat lang na maging accountable sila sa responsibilities nila.
At dapat lang magkaroon sila ng wake up call dahil ang function nila ay isa sa pinaka importanteng benefits natin bilang citizens.

Pero the means and ex*****on could have been better thought out.

Projecting the effects long term, parang ang kawawa pa rin dito ay tayo.

Tayong mga members na imbis na may benepisyo, tayo pa ang mapeperwisyo.

Tayong mga nangangailangan ng services pa yung magssuffer dahil paniguradong babagal pa ang upgrades sa mga serbisyong dapat naeenjoy na natin.

Panget na nga healthcare services natin, mas lalo pa tayong mahihirapan dahil pati sa pagbabayad lugi pa rin tayo.

Sana naman pag isipan.

Parusahan si Phil, pero wag naman idamay si Juan. 😭

🤯😮 Sobrang salamat! 🧡Tito na talaga haha, dati ako yung 25 y/o na naghahanap ng papakinggang matanda eh 😂
05/12/2024

🤯😮 Sobrang salamat! 🧡

Tito na talaga haha, dati ako yung 25 y/o na naghahanap ng papakinggang matanda eh 😂

Address

Kawit
Cavite
4104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Matthew Alamar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Matthew Alamar:

Share