28/09/2025
Workday Sundays? Jusko normal na sa aming mga SME Owners yan. At dahil kaya natin kumita sa mas marangal na paraan ng di tayo nagnanakaw at nagsisinungaling sa kapuwa, napakadali para sa atin ayusin yung reporting at books natin. Compliance? High-performing finance management? Yan lang ba? SISIW.
For September closing and Year-end Staging, this is our task list:
1. Mag-generate na ng bank statement para sa reconciliation ng mga disbursements. Siguraduhing lahat ng disbursement ay may kaakibat na documentation para mas efficient na BIR audit in the future. Wag tayong tumulad dun sa mga nagkakandarapa. Napakadaling mag-attachments during submissions.
2. I-bookkeep na ang lahat ng expenses para madaling i-compute ang VAT, EWT at CIT.
3. I scan na ang mga resibo mas lalo na yung mga naka-print sa fax paper at napaka-bilis mabura. Iyong mga burado na o kaya't may mis-print, maaaring humingi ng isa pang kopya mula sa mismong supplier.
4. Gumawa ng separate sheet for Scheduled Expenses para sa October; naka-link ito sa projected cashflow. Para bumaba ang VAT at CIT, mayroong mga pwedeng i-advance na expenses from Q1 2026 to Q4 2025, i-tag ito as optional at nakadepende kung maraming makokolekta nitong Q4.
5. Ihanda na ang mga collection notices para sa October 1; kung kaya itong i-scheduled-auto-send ng October 1, go. Siguraduhing papasok ito ng Q4 imbis na Q3 para sobrang konti nalang ng adjustments na gagawin sa mga naihanda this past week.
6. Magpa-sweldo ng maayos at ontime sa Tuesday. Ang daming nangyari ng Setyember; sweldo ang isang source ng stability ng mga nagsisilbi sa atin.
Hirap na hirap ang iba gawin ang tama; eh ang dali lang kaya.
Skill gap. Kung sisiw ang isang bagay, pag di nagawa, alam mo na saan ang sisi.
At dahil hindi kaya natin kumita sa mas marangal na paraan ng di tayo nagnanakaw at nagsisinungaling sa kapuwa, napakadali para sa atin ayusin yung reporting at books natin. Compliance? High-performing finance management? Yan lang ba? SISIW.