26/11/2025
Natapos mo na ang 15 Years sa VUL. Anong kasunod?
May nagtanong:
“Tapos ko na yung 15 years na hulog sa VUL. Kailangan ko pa bang maghulog after?”
Simple answer:
Kung 15-year pay ang design, tapos na ang required premiums.
Paid-up ka na.
Pero eto ang hindi alam ng marami.
Kahit tapos na ang hulog, tuloy ang insurance charges.
Hindi sila nawawala.
Lifetime charges because of lifetime benefit.
Sa loob ng policy, ganito ang flow:
Premium ➡️ admin charge ➡️ fund value ➡️ insurance charge.
Pag tapos ka na magbayad, wala na yung “premium” sa unahan.
So ang natitirang source ay:
Fund value ➡️ insurance charge.
Meaning, lahat ng charges ibabawas sa fund value mo hangga’t buhay ang policy.
May mga kumpanya na pwede ka pa ring maghulog kahit tapos na.
Optional. Others, top-up only na.
May iba pa, kailangan healthy ka para mag-top up. Iba-iba ang rules per insurer.
Pero ang pinaka-importante:
Hindi dapat nagugulat ang policy owner.
VUL is insurance-first.
Yung investment side, nandyan primarily para tulungan pondohan ang future charges.
Kung hindi mo alam ‘to, madali kang malilito pag biglang lumiit ang fund value after many years.
Pero kapag malinaw sa’yo, alam mo exactly kung paano siya gumagana at paano siya dapat i-manage.
Understanding this is part of being a responsible policy owner. At parte rin ng trabaho namin na gawing malinaw, hindi komplikado.