SIANO Accounting & Law Office

SIANO Accounting & Law Office Accounting and Legal Service

Let's revisit some Supreme Court decisions where love gets its day in court⚖️Maligayang Araw ng mga Puso❤️
14/02/2026

Let's revisit some Supreme Court decisions where love gets its day in court⚖️

Maligayang Araw ng mga Puso❤️

SIANO Accounting and Law Office proudly congratulates its Legal Assistant, ATTY. JESSA MAE BELMONTE SIANO, on passing th...
09/01/2026

SIANO Accounting and Law Office proudly congratulates its Legal Assistant, ATTY. JESSA MAE BELMONTE SIANO, on passing the 2025 Bar Examinations ⚖️

From her early days in the office, we saw in her the discipline, grit, and quiet determination that the practice of law truly demands.

Welcome to the Bar, Atty. Siano. May you practice law with integrity, courage, and a heart always anchored on justice.

Your SALO Family is truly proud of your achievement!

24/10/2025

Paalala mula sa IBP: Protektahan ang sarili laban sa pekeng abogado.

Verify before you trust.

10/07/2025
14/02/2025

Iginiit ng na ang isang abiso para kanselahin ang isang kontrata sa pagbebenta ng real estate ay dapat ma-notaryo sa ilalim ng Republic Act No. 6552, na mas kilala sa tawag na Maceda Law.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., kinatigan ng Second Division ng Korte ang bisa ng mga kontrata para sa pagbebenta sa pagitan ng State Investment Trust, Inc. (SITI) at mag-asawang Carlos at Victoria Baculo matapos mabigo ang SITI na matugunan ang mga kinakailangan sa pagkansela ng Maceda Law.

Ang layunin ng Maceda Law ay protektahan ang mga bumibili ng real estate gaya ng lupa at bahay sa pamamagitan ng installment payment laban sa hindi patas na mga kondisyon sa mga kontrata.

Sinabi ng Korte na habang maaaring kanselahin ng isang nagbebenta ang kontrata sa pagbebenta sa ilalim ng Maceda Law nang hindi pumupunta sa korte, dapat pa rin itong sumunod sa Section 4 ng batas, na nangangailangan ng: (1) 60-araw na palugit para sa bumibili para bayaran ang mga overdue na installment, na binibilang mula sa petsa kung kailan dapat bayaran ang installment; (2) isang notaryadong paunawa ng pagkansela mula sa nagbebenta; at (3) pagkansela lamang pagkatapos ng 30 araw mula nang matanggap ng mamimili ang notarized notice.

Napag-alaman ng Korte na ang mga sulat ng SITI ay hindi notarized, at bigo itong magbigay ng kinakailangang 60-araw na palugit dahil limang araw lang ang binigay para bayaran ang balanse.

Sa ilalim ng Revised Rules on Evidence, ang isang wastong notary act ay nangyayari kapag ang isang tao ay humarap sa isang notary public at kinumpirma ang kusang-loob na pagpirma sa isang dokumento. Ginagawang pampubliko ng notarization ang mga pribadong dokumento at pinapayagan ang mga nagbebenta na kanselahin ang kontrata nang mag-isa, kahit na walang kasunduan mula sa ibang mga partido.

Ang kaso ay may kinalaman sa dalawang bahagi ng lupa sa Batasan Hills, Quezon City na pag-aari ng SITI na inalok nitong ibenta sa mag-asawang Baculo sa pamamagitan ng dalawang kontrata para sa pagbebenta.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-notarized-notice-required-to-cancel-real-estate-contract-under-maceda-law/.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/237934-state-investment-trust-inc-vs-carlos-baculo/.


14/02/2025

Tanging ang mga naagrabyadong asawa lang ang maaaring maghain ng petisyon para ipawalang-bisa ang kanilang kasal.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Ricardo R. Rosario, tinanggihan ng ang petisyon ng isang Pilipina na gustong ipadeklarang walang bisa ang kanyang ikalawang kasal dahil sa pagiging bigamous nito. Bigamous ang kasal kapag nauna nang ikinasal ang alinman sa mag-asawa.

Unang ikinasal ang Pilipina sa isang Chinese sa Hong Kong at sa Pilipinas. Pagkauwi ng Pilipinas, ikinasal naman siya sa isang Pilipino na dati niyang naging kliyente sa Hong Kong.

Nakakuha ang kanyang unang asawa ng divorce sa Hong Kong na kinilala ng isang korte sa Parañaque.

Makalipas ang 14 na taon, naghiwalay naman ang Pilipina at ang kanyang Pilipino na asawa. Hiniling ng Pilipina sa korte na ipawalang-bisa ang ikalawang kasal dahil sa pagiging bigamous nito. Gusto rin niyang magpakasal muli. Pero tinanggihan ng Regional Trial Court at ng Court of Appeals ang kanyang petisyon.

Sa desisyon ng Korte Suprema, tanging ang naagrabyado o inosenteng asawa mula sa alinmang kasal ang may karapatang magpetisyon para sa pagpapawalang-bisa ng pangalawang kasal. Sa kasong ito, ang unang asawa ng nagpetisyon ang may hawak ng karapatang iyon, ngunit nawala ito pagkatapos makakuha ng diborsiyo. Ang karapatang ito ay hindi nailipat sa petitioner, na itinuturing na nagkasalang asawa.

Sa ilalim ng Article 35(4) ng Family Code, ang bigamous marriages, o ang mga kasal na pinasok habang ang alinmang partido ay legal na kasal sa iba, ay hindi wasto sa simula. Gayunpaman, ang mga bigamous na kasal ay dapat pa ring ideklarang walang bisa ng korte para sa layunin ng muling pagpapakasal.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-guilty-spouse-cannot-seek-nullity-of-bigamous-marriage/.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/g-r-259520/.


10/02/2025

Hindi kailangan ng extrajudicial demand gaya ng demand letter bago magsampa ng kaso sa korte para sa judicial foreclosure o pagremata ng ari-arian, maliban kung malinaw na nakalagay ito sa batas o napagkasunduan ng mga partido.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Mario V. Lopez, pinagbigyan ng ang petisyon ng Goldland Tower Condominium Corporation (Goldland) na kumwestiyon sa pag-dismiss ng Court of Appeals sa kanilang action for judicial foreclosure laban kina Edward L. Lim (Lim) at Hsieh Hsiu-Ping (Ping) dahil sa kawalan ng “demand.”

Nabigo si Ping na magbayad ng PHP 4.6 milyon bilang association dues sa Goldland, na itinala bilang lien sa titulo ng kanyang condominium unit. Si Lim ang bagong may-ari ng unit, na hinahabol ni Goldland.

Depensa ni Lim, wala siyang natanggap na extrajudicial demand.

Kinatigan ng Korte ang naunang desisyon ng Regional Trial Court at iginiit na ang isang creditor o pinagkakautangan ay may karapatang maningil ng bayad kapag ang utang ay dapat nang bayaran, sa korte man (judicial demand) o sa labas ng korte (extrajudicial demand). May karapatan din ang creditor na simulan ang pagreremata sa security para mabayaran ang utang.

Sa ilalim ng Article 1169 ng Civil Code, hindi kailangang magpadala ang isang creditor ng extrajudicial demand bago magsagawa ng isang judicial demand, maliban kung nakasaad sa batas o napagkasunduan ng mga partido.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-extrajudicial-demand-not-required-before-judicial-foreclosure/.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/268143-2/.


We are now open!Services: Accounting and Legal Assistance Location: Old Brgy. Hall of Siramag, Zone 5, Brgy. Siramag, Ba...
02/02/2025

We are now open!

Services: Accounting and Legal Assistance

Location: Old Brgy. Hall of Siramag, Zone 5, Brgy. Siramag, Balatan, Camarines Sur

Office Hours:
Monday - Friday (8:00 AM - 6:00 PM)
Saturday (8:00 AM - 5:00 PM)

We look forward to serving you ⚖️

31/01/2025

Muling nagpaalala ang na ang pagkaka-acquit sa isang criminal tax case ay hindi nangangahulugang hindi na kailangang magbayad ang isang taxpayer ng buwis.

Ang obligasyong magbayad ng buwis ay nanggagaling sa batas at hindi dahil sa krimeng nagawa.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Mario V. Lopez, isinantabi ng Second Division ang mga kasong kriminal laban sa E & D Parts and Supply, Inc. at treasurer nito na si Margaret Uy hinggil sa hindi paghain ng income tax return at hindi pagbabayad ng income at value-added tax.

Bagama’t sinabi ng Korte na may obligasyon pa ring magbayad ng buwis ang isang taxpayer sa kabila ng kanyang pagkakawalang-sala, hindi pinagbayad ang kumpanya dahil walang bisa ang tax assessment nito.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-acquittal-in-tax-case-does-not-erase-obligation-to-pay-taxes/

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/259284-people-of-the-philippines-vs-e-d-parts-supply-inc-et-al/


Address

Old Brgy. Hall Of Siramag, Siramag, Camarines Sur
Balatan
4436

Opening Hours

Monday 8am - 6pm
Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm
Friday 8am - 6pm
Saturday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SIANO Accounting & Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category