19/05/2026
๐ง๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ถ ๐๐๐ฎ๐ป ๐ก๐ผ. ๐ญ๐ฑ:
โ๐๐ฒ๐น๐น๐ผ, ๐๐๐ฅ! ๐ข๐ป๐น๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ฒ๐น๐น๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ธ๐ผ. ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฝ๐ผ ๐ฎ๐ธ๐ผ ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ-๐ถ๐๐๐๐ฒ ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฏ๐ผ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐๐บ๐ถ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป?โ
๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐๐ฎ๐ป:
Bilang isang registered online seller sa Pilipinas, ang pangunahing dokumentong dapat mong ibigay sa iyong mga mamimili ay tinatawag na Sales Invoice (o simpleng Invoice) sa ilalim ng Ease of Paying Taxes (EOPT) Act.
Upang makapag issue ng resibo nang tama ang iyong mga customer ayon sa batas, narito ang mga hakbang at gabay na dapat mong sundin.
1. ๐๐๐บ๐๐ต๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฉ๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ ๐๐ป๐๐ผ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ ๐๐ฎ ๐๐๐ฅ
Bawal gumamit ng resibong nabibili lang sa palengke o bookstore. Dapat ay rehistrado ang iyong invoice sa BIR:
โช๏ธBIR Printed Invoices (BPI): Kung bago ka pa lang o maliit pa ang negosyo, maaari kang bumili ng pre-printed invoices direkta sa iyong Revenue District Office (RDO).
โช๏ธAuthority to Print (ATP): Kung nais mo ng sariling disenyo na may pangalan ng iyong online shop, mag-apply ng ATP gamit ang BIR Form 1906 sa RDO o sa BIR ORUS portal. Ipapaprint ito sa isang BIR-accredited printer.
โช๏ธLoose-leaf o CAS (Computerized Accounting System): Kung gumagamit ka ng automated software para sa e-commerce system mo, kailangan mo ng kaukulang pahintulot o Permit to Use mula sa BIR.
2. ๐๐น๐ฎ๐บ๐ถ๐ป ๐๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ด-๐ถ๐๐๐ ๐ป๐ด ๐๐ป๐๐ผ๐ถ๐ฐ๐ฒ
โช๏ธKung ikaw ay VAT-Registered: Kailangan mong mag-isyu ng Invoice sa bawat order, kahit magkano pa ang halaga nito.
โช๏ธKung ikaw ay Non-VAT Registered: Mandatoryong mag-isyu ng Invoice kung ang isang solong transaksyon ay nagkakahalaga ng โฑ500 pataas.
โช๏ธTip sa mas maliliit na benta: Kung ang halaga ay mababa sa โฑ500, hindi kailangang mag-isyu paisa-isa maliban kung hilingin ng buyer. Subalit, dapat mong pagsama-samahin ang kabuuang benta na ito sa katapusan ng araw at gawan ng isang "Consolidated Invoice" para sa kabuuang benta ng araw na iyon.
3. ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฃ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ป๐๐ผ๐ถ๐ฐ๐ฒ
Kapag sinusulatan ang manual invoice, siguraduhing kompleto ang mga sumusunod na detalye upang hindi maparusahan sa maling pagreresibo:
โช๏ธPetsa (Date): Isulat kung kailan nangyari ang transaksyon o nabayaran ang order.
โช๏ธImpormasyon ng Buyer: Ilagay ang Pangalan, Address, at TIN ng bumili (kung meron sila). Para sa mga retail buyers na ayaw ibigay ang TIN o address, maaari mong ilagay ang kanilang pangalan o ilagay ang "Various Customers" para sa pinagsama-samang benta.
โช๏ธDetalye ng Produkto: Isulat ang quantity (dami) at deskripsyon ng item.
โช๏ธHalaga (Amount): Ilagay ang yunit na presyo at ang kabuuang halaga. Tandaan na ang isinusulat sa resibo ay ang kabuuang binayaran ng customer (kasama ang platform fees kung ito ay naka-charge sa kanila), hindi ang net income na natira sa iyo pagkatapos kaltasan ng platform gaya ng TikTok o Shopee.
โช๏ธVAT/Non-VAT Breakdown: Kung ikaw ay VAT seller, dapat hiwalay na nakasulat ang 12% VAT amount sa ibaba.
4. ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐๐๐๐ผ๐บ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐ฏ๐ผ
Dahil online ang iyong negosyo, may dalawang paraan upang maibigay ito sa kanila:
โช๏ธPhysical Copy: I-sulat sa iyong manual booklet ang detalye, punitin ang Original (White) copy, at isama ito sa loob ng parcel o package na ipapadala sa delivery rider. Iwanan naman ang duplicate copy sa iyong booklet bilang kopya mo para sa iyong Bookkeeping.
โช๏ธDigital Copy (E-Invoice): Kung ikaw ay aprubado ng BIR na gumamit ng electronic invoicing, maaari mong i-send ang PDF o electronic format ng invoice sa email o chat ng iyong customer.
Sources:
https://share.google/lW4IKxeIY3DqTbTYt - Taxpayer's Guide for Online Sellers
RR 7-2024 = implements Section 113, 235, 236, 237, 238, 242, 243 of the Tax Code of 1997, as amended by Republic Act (RA) No. 11976 (Ease of Paying Taxes Act), on the registration procedures and invoicing requirements.
RMC No. 60-2020 - Notifies persons conducting business through any forms of electronic media regarding their tax obligations and the registration of their business with the BIR