13/08/2021
👇👇big check ✔
Kapag nag aapply ka pa lang mag abroad walang tumutulong sayo, baon ka sa utang para makapag passport, seminar, pamasahe, language training, placement fee at kung ano anong gastusin maliit at malaki, Magisa ka.
Pero pag OFW ka na, lahat ng tao sa paligid mo gusto matikman ang pinaghirapan mo. Hingi ng pasalubong at pabili ng kung ano ano. Pag di mo napagbigyan tawag sayo MADAMOT, sasabihan ka pa, “nakapag abroad ka lang mayabang ka na”.
Pag umuwi ka ng Pinas lahat dadalaw sayo hihingi pa ng pamasahe pag uuwi na sila. Pero pag paalis ka walang maghahatid o magpapahiram ng sasakyan para ihatid ka.
At pag nagkakrisis ang Pilipinas tulad ng Covid hindi kasama pamilya mo sa ayuda dahil OFW ka, wala ring kapitbahay na magbibigay ng pagkain sa pamilya mo.
OFW, walang masama sa tumulong sa kababayan mo, pero mag ipon ka, unahin mo sarili mo, anak mo at pamilya mo. Dahil pag naghirap ka ulit, magisa ka.
Ccto
Mag ipon , magtabi para sa sarili , pag isipan ang long term health care kc hindi habang buhay na malakas at may kita ka.