20/05/2026
Dalawang mukha ng survivors. Yung isa may pera at malayang magpagamot kung saan man nila gusto at yung isa naman gigising ng maaga para mauna sa pila para sa libreng treatments. Pila ng buhay. Sana darating ang araw na may access ang lahat na mga Filipino sa free health care na walang hirap at hindi dadaan muna sa butas ng karayom bago ma check-up. Yung may malubha kang sakit pero panatag ang loob mo na gagaling ka kasi may magandang health care na nakalaan sa bawat filipino. Sana sana diringgin lahat ng mga dasal natin. Anuman ang sitwasyon mo ngayon ang importante may will ka to survive. God bless us all warriors and survivors. 🙏❤️