03/06/2026
Parehong OFW. Parehong sweldo. Magkaibang ending.
Hindi ito tungkol sa kung magkano ang kinikita mo. Tungkol ito sa kung ano ang ginagawa mo sa kinikita mo.
Sa video na ito, ipinakita ko ang dalawang OFW na may parehong P170k monthly income at kung paano nag-iiba ang buhay nila after 10 years base sa iisang desisyon lang: kung paano nila ini-allocate ang pera.
Sa mga magco-comment ng "di lahat may ganyang disiplina" o "madaling sabihin"
Tama kayo. Hindi madali. Pero ang tanong hindi "madali ba?" ang tanong ay "worth it ba?"
Ang OFW 1 ay hindi masama ang tao. Mahal lang niya ang pamilya niya. Pero ang pagmamahal na walang financial plan? Napapagod ka at ang pamilya mo, napapagod din.
Kung gusto mong maging OFW 2 hindi ka kailangang maging perpekto overnight. Kailangan mo lang simulan ng tama.
Same salary. Different choices. Different life.