12/10/2022
Kung may life insurance ka na at gusto mo malaman gaano ito tatagal para ma-sustain yung pangangailangan ng pamilya mo. I-divide mo lang yung total life insurance coverage mo sa annual income mo.
For example, ang life insurance coverage mo P1M at ang annual income mo ay P360K. >>> P1,000,000 life insurance coverage / P360,000 annual income = 2.78
Ibig sabihin niyan less than 3 years lang tatagal yung life insurance coverage na maiiwan mo para sa pamilya mo.
Ang rule of thumb sa life insurance ay dapat meron kang 10 years worth of coverage based sa income mo. So kung ang annual income mo ay P360,000. >>> P360,000 x 10 years = P3,600,000 dapat ang life insurance coverage mo.
Ang ibig sabihin lang niyan ay merong 10 years worth of income para sa pangangailangan ng pamilya mo kapag nawala ka.
Marami pang factors ang kailangan i-consider pagdating sa pagdetermine ng life insurance coverage. Tulad nalang ng budget mo, income ng asawa mo, income sa mga business mo kung meron man, mga savings at investments mo, yung education ng anak mo at mga utang mo kung meron.
So kung gusto mo talaga malaman exactly kung magkano ang kailangan mong life insurance coverage, let's do an online insurance planning via zoom. Free lang naman, PM ka lang! :)