22/06/2026
Nagsama-sama ang pitong grupo sa ilalim ng Cultural Arts Office (CAO) para sa Pambungad na Bilang ng ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ ๐๐๐๐, isang mayabong na pagtatapos sa nagdaang taong panuruan mula sa DLSU-D Performing Arts Group!
Bukod sa mga espesyal na bilang mula sa ilang grupo sa ilalim ng PAG, nag-uwi din ang mga ito ng kanya-kanyang karangalan.
Natanggap ng De La Salle University-Dasmariรฑas Chorale ang "Gawad Internasyunalisasyon para sa Natatanging Samahang Panginstitusyon" habang ginawaran naman ng pinakamataas na karangalan para sa isang lider-estudyante na "Gawad San Juan Bautista De La Salle" si Maxenne Ignacio, Presidente ng Visual & Performing Arts Production Unit (VPAPU) na nakatanggap ng gawad para sa "Pinakamahusay na Proyekto sa Pangingilak ng Pondo" sa 'OBRA 21: The "Perfect" World.' VPAPU din ang nag-uwi ng prestihiyosong "Grupo ng Sining Pagtatanghal ng Taon."
Para naman sa mga pagkilala sa ilalim ng CAO, natanggap nina Kristofer Peter Blancaflor (TEATRO Lasalliana) at Janna Bernice Barbacena (La Salle Filipiniana Dance Company) ang "Gawad Kultural" habang si Darwin Casulla naman mula sa DLSU-D Chorale ang ginawaran bilang "Opisyal ng Taon para sa Grupo ng Sining Pagtatanghal."
Maraming salamat sa patuloy na pagkilala sa pamumuno at dedikasyon na ibinubuhos ng mga estudyanteng manananghal, ipagpapatuloy ng komunidad ng PAG ang pagsusulong ng sining at kulturang Pilipino para sa Lasalyano sa susunod na taong panuruan. VIVA Performing Arts! ๐