24/07/2025
📌 📒✨ Sharing with you daily habits and simple tips to help you stay organized with your bookkeeping — lalo na kung mano-mano pa rin ang records mo!
As a bookkeeper and business owner, I’ve seen how daily consistency can prevent BIR issues, missed deadlines, and financial stress. Kaya simula ngayon, I’ll be posting bite-sized tips to guide you in keeping your Books of Accounts updated, accurate, and BIR-compliant — kahit walang laptop or Excel.
Sama-sama nating ayusin ang records mo. Let’s make bookkeeping simple and doable, one day at a time. 🤍
Day 1: Ano ba ang Books of Accounts?
"Bakit mahalaga ang Books of Accounts? Para hindi ka ma-penalty sa BIR at para alam mo talaga kung may kita ang negosyo mo!"
Sa mga small business owners, lalo na ‘yung manual pa rin ang record-keeping—importanteng maintindihan kung ano ang tinatawag na Books of Accounts.
💡 Ano ito?
Ito ang mga BIR-registered books kung saan mo isinusulat ang lahat ng benta, gastos, at galaw ng pera sa negosyo mo. Karaniwan itong:
📘 Journal – Dito mo isinusulat araw-araw ang lahat ng transactions (sales, gastos, etc.)
📗 Ledger – Dito mo nililipat per account (hal. sales, rent, supplies) para makita kung magkano total kada isa.
📙 Cash Receipt Book – record ng lahat ng pumapasok na pera
📕 Cash Disbursement Book – record ng lahat ng lumalabas na pera
✅ Required ito ng BIR, kahit maliit pa ang negosyo mo. Kahit sari-sari store o online seller ka—kailangan may record.